I can’t wait to move in with you. Wake up to your face, make breakfast with you, watch Saturday morning cartoons with you, kiss you goodnight, cuddle with you and do it all over again the next day.
They said that friends are like the sisters you never had. Totoo, kasi sila lang yung taong makakaintindi sayo. Kung ano man yang topak o trip mo, sasamahan ka nila minsan nga eh gagayahin ka pa nila. Hindi sila mahihiya na maging kaibigan ka. Hindi ka nila iiwan sa era, kumbaga sa kanila one for all, all for one. Problema ng isa, problema ng lahat. Masaya kapag kayo yung magkakasama, kahit pinagtitinginan na kayo ng ibang tao dahil sa sobrang gulo niyo, okay lang basta para sa inyo masaya kayo. Miss you girls :)
Friends ? More like sisters! :)

Yang ang pinaka masakit sa lahat yung ikumpara ka sa iba. Kahit nagmamahal ka man o hindi, hindi maiiwasan na maikumpara ka sa ibang tao. Minsan naikukumpara ka sa mga naging ex girlfriends/boyfriends ng mga karelasyon niyo ngayon. Masakit di ba ? Lalo na kapag narinig mo yung “Si ano nga eh hindi ganyan.” “Si ano nga eh mas mabait at mas sweet.” Parang nakakadurog ng puso na ipamukha niya sayo na hindi ka rin pala nakakahigit sa mga taong minahal na niya dati. Lumalabas pa na parang kulang ka. Bakit ba kasi kailangan pang ikumpara ang ibang tao sayo. Bakit ? Hindi naman kasi perpekto ang isang tao. May kanya kanya tayong ugali na minsan wala sa iba, meron silang bagay na wala ka at meron ka ring bagay na wala sila. Vice versa lang yan. Kaya bakit kailangan pa nating mag-compare ? Hindi ba pwedeng makuntento na lang tayo sa kung anong meron yung mga taong mahal natin.
“Be thankful for what you have; you’ll end up having more. If you concentrate on what you don’t have, you will never, ever have enough”
― Oprah Winfrey

How special your smiles are, how special your eyes seems when they look at me and how special you are to me. Iba ang ngiti mo kapag magkasama tayo, hindi ko alam kung bakit pero iba talaga siya. Ibang iba parang mas masaya ka. Parang ang saya ng mga ngiti mo. Masaya ba sila kasi andyan ako? Yung mga mata mo na kapag nakangiti ka, parang nawawala, nagiging singkit ka. Hahah. Sumasabay sa ngiti ng labi mo yung ngiti ng mga mata mo kapag magkasama tayo. Yan yung mga bagay na tayong dalawa lang yung nakaka-alam. Mas masaya talaga kapag magkasama tayo. Hindi nila alam kung gano ka ka-special sakin. Hindi nila alam kung gano kasaya ako kapag andyan ka. Eto lang naman yung mga bagay na sadyang tayong dalawa lang yung nakaka-alam. ♥